libre ang mangarap
Friday, May 29th, 2009Kung ka-facebook o ka-friendster kita, nakita mo na siguro yung napakagandang bahay nang kapatid ko.
Para sa anak-pawis na tulad ko, laking-laki at lulang-lula ako sa 5-BR house, fully-A/C at de-marmol nyang bahay. Super comfy nga kaming mag-anak ayaw nang umalis dun ni pogiBoy.
So habang pa-petek-petek ako nung holiday, tingin-tingin ako nang mga properties sa Pilipinas. Para kunwari may pang-invest ako.
I came across Pico De Loro. Do you know the place? If you don’t and you haven’t seen it, i-google mo para maka-relate ka.
Ang ganda. It’s perfect for me, na mapagkunwaring nature-lover-aka-hiker-nuong-sinaunang-panahon. Beach at bundok… Perfection talaga.
SM Property ang developer at siguradong perfection din ang presyo.
Oh well. Libreng mangarap. So kahit malapit na kong mawalan nang trabaho, panay na plano ko kung pano namin lalagyan nang furnishing yung 2-BR family unit namin.
Paanong schedule gagawin nang parents ko pag-bisita dun, kung paanong scheduling gagawin sa mga kapatid at pininsan na mag-i-stay all-year-round…
San kaya malapit na palengke at bilihan nang furnitures? :-) Okay lang siguro na uupa na lang kami nang isa pang room para sa in-laws. Berat!


. It refuses to let Summer start.

