Archive for March 27th, 2009

sa parokya ni edgar

Friday, March 27th, 2009

Written in 2000 while in Fargo, ND
————–
Nagpapasalamat ako sa mapang-aliw na musika’ng nagmumula sa speaker ng laptop ko ngayon. Nagpapasalamat akong lalo sa taong nagbigay sa akin ng MP3 ng “pizza pie”, “harana” at iba pang kabalbalan.

Nawawala ang pagkainip ko at nakukuha kong tumawa habang naninigas na ang aking kamay sa pag-gawa ng lintik na killer testcase na ito. Malaking utang-na-loob ang aking tatanawin sa grupo ni Edgar pagka’t dahil sa kanila lagi kong naaalala ang aking nobyo sa aking pag-iisa. Hindi dahil sa kamukha niya si Buloy, kundi dahil sa kanilang tortang talong.

O, kabastusan ang inyong iniisip. Kaninong tortang talong? Kay Edgar. Sabi niya “he ate the tortang talong and he grew strong.” Kita mo na! Masustansiya pala siya.

Ngayon paano ko naalala si Dyuwel dito? Dahil he is strong. Hindi lang yan, hindi na rin uso sa kanya ang harana. Tapos mahilig siya sa pizza pie, lalo na kung Shakey’s. Pero kung ako ang may dala, kahit saan galing kakainin niya.

Hay Edgar… Maraming salamat sa iyong musika. Inilalapit mo sa puson, este puso ko ang mga minamahal ko… Tortang talong, pizza, aso, bisaya…



Locations of visitors to this page
Add to Technorati Favorites