05.Marsuntok sa buwan
Sa tinagal-tagal nang panahon di ko pa din masasabing gets ko na ang british humour and attitude. Actually habang tumatagal lalo ko lang naiisip na dense yata talaga ako.
Kahapon may impromptu meeting na kami. Lagi ‘tong nangyayari, para bang “feel kong magpa-meeting ngayon. Anyway, ang tagal nung nagpatawag nang meeting so chika-chika kami ni jops. Tatlo lang naman kami so attempting to be friendly, tinanong ko si dong kung business o pleasure ba yung trip nya sa amerika.
Ang haba nang sagot nya. Pleasure daw, nagshopping sya, nag-meet sila nung mga friends nya nung dun pa sya nagta-trabaho. Yun daw ang ganda nang walang pamilya pwedeng basta-basta aalis nang walang iniisip maski cost etc etc.
Litanya talaga and naisip ko na na parang may pasaring itong unggoy na ito dahil last year I said something to that effect sa kanya. Panay kasi holiday nito na biglaan, mga weekend trip tapos diretso sa trabaho dala-dala yung board nya. Di ko alam kung pinapasaringan nya ko o inuunahan na nya ko thinking na sasabihin ko uli yun.
But before I could reply, sumagot si jops. Sabi nya dinala daw nya sa Asia-Pacific yung buong pamilya nya “all five of us”. At talaga naman daw mahirap na magastos pa.
In response to that sabi ko may kakilala nga akong apat ang anak di pa nakakabakasyon nang Pinas dahil sa mahal nang pamasahe. Kako they holiday in the US instead.
Aba sabi ba naman nang kumag na dong “fascinating”.
jops and I didn’t say anything after that, dong went out after a while and so did I.
Where the heck did that come from? I really didn’t see it coming. But then I should have known better. Itong lalake na ito na nung una e crush ko pa naman, talagang talo pa ang babaeng nag-me-menopause and I apologize to all women for saying that.
Pag talagang nabuset kasi ako I find it hard to let go. I keep thinking and thinking “dapat nasabi/nagawa ko ito”. Siguro talagang dense lang ako o siguro mabagal reflex ko pagdating sa mga verbal assaults o siguro I just expect people to be decent.
Dong is a jerk and jops said to me once that this guy plain cruel sometimes. Matalino nga kasi at talagang dependent sya kanya yung top bossing namin. Pero arogante at walang modo, napakahilig mamahiya, walang pinipili. I’ve lost count how many times I’ve been on the receiving end of his sarcastic evil tongue but it’s also very painful to watch him tear others down.
So note to self, iwasang makipag-usap sa lalakeng ito at all cost.
On the funny side, sabi ni jops nabanggit daw nung mga building receptionist-or-whatever-it-is-they-call-themselves na pogi itong si dong. Sinabi daw nya kay dong at talagang looking well pleased naman daw ito. Sabay hirit daw si jops nang “then I told them you were gay“… aahhh bless.
=====================
FYI dong pala ay penis, nagkataon lang yan ang ginamit kong hirdaw.
This entry was posted on Thursday, March 5th, 2009 at 3:21 pm and is filed under british nga, work. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

that was a waste of time then, talking to him… he should come with a warning; avoid at all cost!
british humor can be fascinatiing.
Minsan na meet ko, sinasabi lang sa mga tsika ko: Charming! oh, lovely. Thats interesting.
Walang add on comment baga.
Pero mas malala ang mga french. Straight to the point, walang suot na gloves, sige banat, take or leave.
Pero after that spicy discussions, tawanan na naman at bati bati. Para bang, sinaksak ka, and it is just okey, kung di ka matibay, it is up to you to walk out.
Asar ano.
Style ko sa ganyang kausap, ganun din.
Oh how quaint…
Sabay NGITI NGITI laang…
[...] Si Dong ay mabuting anak sa kanyang ina, at least in terms of superficial distant letters. Nung Pasko at [...]