Archive for September 24th, 2007

sabi ko nga!

Monday, September 24th, 2007

Kainis kapag umuulan at tulak-tulak ko ang stroller ni pogiBoy. Mas nakakainis pag na-realise kong wala pala akong pera’ng pang-cab.

So kanina’ng umaga ang lakas ng hangin at ang lakas din ng ulan. Bumigat ang pantalon ko sa sobrang basa at para kong naligo uli. Pagdating ko sa opisina, sabi ng opismeyt ko kamusta daw. I was going to reply “I feel like a wet chick” but it doesn’t sound right. Paano ba ita-translate nang maayos yung “Eto parang basa’ng sisiw“?

Sa traffic light may couple na sobrang affected yata ng bed weather, halikan ng halikan. Gusto kong itulak nung nag-green man at sabihan nang “Pwede ba, mamaya na kayo mag-sipsipan ng mukha?

I kept my cool. Naiinggit lang ako.



Locations of visitors to this page
Add to Technorati Favorites