Thursday’s child has far to go
Thursday, March 15th, 2007Wow Huwebes na. Di ako makapaniwala nung Lunes ang sinasabi nga ni bossing “one day down, just four to go”. At eto na nga isang araw na lang. Kanina pa ko excited. Nung sumali nga ako sa kumpanya na ito inihanda ko na ang sarili ko sa pagiging busy, na malamang wala na kong gawin kundi magbasa (hindi novels, hindi interesting, para kong nag-uni uli), na malamang mag-trabaho ako ng sabado o pati ng linggo. Sa awa ng Diyos hindi naman ganoon, sa ngayon. Oo maraming trabaho, marami kong dapat basahin at aralin at alamin pero manageable naman. Sabi nga “it’s a good type of busy” hindi yung hindi na ko magkandaugaga.
Naka-schedule na din ang gagawin ko:
Okay Thursday ngayon, sana mamayang gabi hindi ako makatulog at matapos ko ng yung “intro to stock exchange” na libro.
Bukas, Friday, magpupuyat ako dahil pwede naman akong matulog ng hapon sa Sabado.
Manonood ako ng Ugly Betty tapos panonoorin ko na ang Syriana DVD na ni-rent ko 2 weeks ago pa!
Sa Sabado, sa umaga playtime & learning with my son. Sa hapon, tulog pagtulog ni anak then paggising malamang mag-bake ako ng chocolate cake. Pagsinipag ako malamang mag-jelly kami ng anak ko, mahilig yung makialam sa kusina e.
Sa Linggo, it’s also my day of rest & “no puyat” allowed. Simba, tulog at pahinga.
Linggo-linggo nakaplano ang weekend ko. Hindi pwedeng hindi, dahil bawat oras mahalaga para sa akin. Wala pa nga akong proper na “me time”. At marami pa kong minor projects:
ayusin ang file structure ng home PC ko
backup my PC
i-reorganise yung home office dahil nagkalat na ang documents namin, mostly mine
time for spring clean: palitan na ang nilulumot na mga kurtina, i-dust ang ibabaw ng mga cabinets, clean the windows inside and outside, downstairs and upstairs
biggest task of all: organise the shed — aacckkk
Ewan kung san ako kukuha ng sipag :-)

