15.Mar
Wow Huwebes na. Di ako makapaniwala nung Lunes ang sinasabi nga ni bossing “one day down, just four to go”. At eto na nga isang araw na lang. Kanina pa ko excited. Nung sumali nga ako sa kumpanya na ito inihanda ko na ang sarili ko sa pagiging busy, na malamang wala na kong gawin kundi magbasa (hindi novels, hindi interesting, para kong nag-uni uli), na malamang mag-trabaho ako ng sabado o pati ng linggo. Sa awa ng Diyos hindi naman ganoon, sa ngayon. Oo maraming trabaho, marami kong dapat basahin at aralin at alamin pero manageable naman. Sabi nga “it’s a good type of busy” hindi yung hindi na ko magkandaugaga.
Naka-schedule na din ang gagawin ko:
Okay Thursday ngayon, sana mamayang gabi hindi ako makatulog at matapos ko ng yung “intro to stock exchange” na libro.
Bukas, Friday, magpupuyat ako dahil pwede naman akong matulog ng hapon sa Sabado.
Manonood ako ng Ugly Betty tapos panonoorin ko na ang Syriana DVD na ni-rent ko 2 weeks ago pa!
Sa Sabado, sa umaga playtime & learning with my son. Sa hapon, tulog pagtulog ni anak then paggising malamang mag-bake ako ng chocolate cake. Pagsinipag ako malamang mag-jelly kami ng anak ko, mahilig yung makialam sa kusina e.
Sa Linggo, it’s also my day of rest & “no puyat” allowed. Simba, tulog at pahinga.
Linggo-linggo nakaplano ang weekend ko. Hindi pwedeng hindi, dahil bawat oras mahalaga para sa akin. Wala pa nga akong proper na “me time”. At marami pa kong minor projects:
ayusin ang file structure ng home PC ko
backup my PC
i-reorganise yung home office dahil nagkalat na ang documents namin, mostly mine
time for spring clean: palitan na ang nilulumot na mga kurtina, i-dust ang ibabaw ng mga cabinets, clean the windows inside and outside, downstairs and upstairs
biggest task of all: organise the shed — aacckkk
Ewan kung san ako kukuha ng sipag :-)
This entry was posted on Thursday, March 15th, 2007 at 2:03 pm and is filed under chopsuey. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

You haven’t been updating … so I read your old posts. About pants that wouldn’t zip — I am so familiar. Cute naman yung ‘bigger’ nung baby mo.
Am also trying to probe into your relationship with hubby — why you said you could relate to the (women hurting) situation (but not to Naida’s way of coping with it).
You and hubby seem a-ok. Am glad. Keep it that way. Dami naman talagang marriages na nag-wo-work out eh. But staying in love is ultimately a decision you both make– not a feeling.
hi annamanila, engot ko I was trying to “reply” to your post from my email haha
I can’t post as often due to work commitments plus ayaw kong nagp-PC sa bahay. The truth is, madalas na nga akong mag-post ng lagay na ito.
My comment to you isn’t about hubby (salamat sa Diyos). It’s from a very, very traumatic experience years ago before I met my husband.
:-)
Salamat uli for dropping by