birthday mo, birthday nya
Tuesday, March 6th, 2007Hubby’s birthday on Sunday. Una sabi nya mag-La Tasca na lang daw kami. Okay naman sa akin dahil masarap naman talaga ang tapas dun plus child friendly ang service nila nung kumain kami duon. So yes we can come back.
Kaya lang na-mention ko na birthday na nga pala ni kulit next month. Kako kung sa bahay ang party, dapat mag-book na kami ng catering (dahil ayoko nang magluto para sa buong barrio) at ng entertainment (clown? magician? face painting? o rent na lang ng bouncy castle?). Dahil wala kaming idea sa mga presyo nito I mentioned a rounded figure of £400. Natingin sa akin si hubby nanlalaki ang mata! (I like his astounded look)
Mag-Pizza Hut kiddie party na lang daw kaya kami? Veto ako, sabi ko baka walang dumayo sa Essex para lang mag-pizza. Saka ayoko talaga, mana pa kung Jollibee yun!
So this Sunday, pupunta kami ng Colchester Zoo. I really like this idea. Una dahil gusto ko naman mag-enjoy talaga ang bebe ko. Pangalawa gusto ko yung may activity ang mga bata hindi kainan lang. Pangatlo outdoor pa sya. At ang huli, yung close friends lang namin ang iimbitahan namin. Marami-rami pa din sa totoo lang pero dahil lang maraming anak yung isang pamilya. 10 kids lang, tatlo e below 2 years old pa. Yung malaking pamilya e 4 agad ang anak na puro mga close naman namin. Anim na pamilya kami. Ang makakabigat sa bulsa palagay ko e yung bayad ng adults. Pano ko ba sasabihin na “pwede ba mare, ikaw lang sumama?” or better yet say something like, “pare wag na kayong sumama ni mare at kami ng mag-asawa ang magsu-supervise sa mga bata”… aay palpak di ba? Ang gastos. Malamang bawasan ko pa din yang mga bisita na yan na alam kong mahirap gawin.
Anyway balik tayo sa original topic ko, magiging scouting ang birthday celebration ng asawa ko. Kelangang matuloy yan dahil wala na syang weekend off. At sana e wag umulan.
He’s turning 34 at sa totoo lang e napaka-conscious. Di ko na alam kung ilang beses ko na narinig sa kanya ang “ang tanda na ng mukha ko”. Gusto kong sakalin e. Sabi ko magpa-Botox na sya hehe

