16 February was my last day at my ex-company. Nakaka-praning. Wala na kong maisip gawin. Binura ko nga lahat ng MP3 ko sa iPod ko para lang makapag-backup pa ko ng mga emails ko. Binura ko din lahat ng mabubura ko at maa-uninstall ko sa PC ko.
Then it was time for the traditional “leaving lunch”. Dalawa kaming aalis that day so buti na lang at sya ang nag-reserve nung restaurant. The entire company’s staffs were there. Pero kwidaw kayo, hindi kami “free”, KKB (re: kanya-kanyan bayad) yan. We could only stay for 1 hour. Akala ko pa naman e at least 2 hours kami dun. The resto manager kicked us out.
Anyway, 6pm kasi ang cut-off time dun sa office na yun. By 5pm mag-gather round daw kami for another tradition in British offices, “leaving speech”. Maganda yung gift na binigay sa akin, courtesy of my senior team member. Satisfied naman ako. Sabi nung mga officemates ko ang ganda daw ng parting words nung cto namin para sa akin. Eh? Siguro. But I think there were barbs hidden there, or paranoid lang ako.
Kataka-taka 530pm na wala pang tumatayo para makapunta na kami dun sa pub. Ay! Di ko na kaya, inaya ko na yung team namin with the pretext na mawawala yung reservation naming (which is true, we arrived 5mins late & it was given away). By 610pm ayan libre na ko. People were buying me food and drinks.
Normally hindi ako nag-i-stay sa “leaving drinks” later than 7pm. But this time around I stayed ‘til 830pm. I actually enjoyed myself, nakakapagtaka.