kick me out will ya?
Tuesday, February 13th, 2007Weird. That’s what I tell people who ask me “why”, because to tell them what I really think will sound mean if not bitter.
Tumawag sa akin ang bossing nung Friday night para sabihin sa akin na okay lang daw na umalis na ako the following week. Sa madaling salita e wag ko nang tapusin ang “4 week notice” ko. Tinanong daw nya yung senior member ko at kaya naman daw nyang i-handle ang handover ng isang linggo lang. Sa isang banda e di masaya. Pero sabi nga pag tiningnan ang “bigger picture”, things are not all right. It smells fishy to me.
Anyway, tinawagan ko yung lilipatan ko at dahil gusto na nga nilang magsimula agad agad e di siempre sabi nila “good news”.
At the end of the day (or at the end of this week) everything worked out okay for everyone. But I can’t help feeling cheated. All the more reason talaga na lumayas ako sa shadow nitong bossing kong ito.
Nag-uusap kami nung “papalit” sa akin. Sinabihan nga daw nya si bossing na kelangan ng kahit isang senior pa. Sabi daw e magda-dagdag daw ng isa pang intern (nag-hire na ko ng isa for March-Sept) at “we’ll see” na yung sagot sa hiring. Di ko na sya tinanong kung okay ba ang nakuha nyang pera dahil siempre hindi naman siguro aanga-anga ‘to na tatanggapin lahat ng walang extra bayad di ba? Pero sabi ko nga sa hubby ko, yung attitude na yan ni bossing ang nagpakita sa akin na wala akong ma-a-achieve sa kumpanya na ito kundi heart problem. Maybe I should tell my replacement to get those words down in writing…
