Archive for February 1st, 2007

we shouted "help" & behold, she’s here

Thursday, February 1st, 2007

Dumating na ang tulong na inaasahan namin. Siya na ang mag-aasikaso ng karamihan ng household chores na talagang di ko na nagagampanan. Aalalayan din naman namin syang mag-asawa pero at least yung day to day running ng bahay e di ko na pro-problemahin. At in around 5 months’ time, siya na ang magiging nanny ni bebe.

Malalagay na sa government sponsored preschool si bebe by September. 3 hours sya dun then the rest of the time si tita na titingin sa kanya. When that happens, she doesn’t have to tinker around the house as much. We’ve told her that the reason we ‘hired’ her is to have someone look after bebe when he moves to the local school.

Ilang araw pa lang naman sya pero yung burdened feeling talagang nawala na. Di ko nga alam na ganun ako ka-anxious pala but in the 2 days I’ve been back to work, for the first time in 2 years, parang mas relaxed ako. Relaxed ang isip ko na safe ang anak ko, relaxed ang isip ko na di ko kelangang magmadaling umuwi etc etc.

Siempre may nagging feeling pa din na baka mamaya pakitang tao lang ito. Baka mamaya saktan nya si bebe when they’re alone, etc etc. Pero I believe God will protect my son. And of course, vigilant naman ako. Still I pray daily & nightly na “she” is the one na nga.

gimme gimme gimme

Thursday, February 1st, 2007

My feet are itching to move! Sabi ng ahente kahapon at 9am ipapadala na daw ang offer letter sa akin sa Friday – so bukas na. But damn I want it now! NOW! Darating kasi sa kin yun malamang Sabado na, then sa Lunes ko pa mapapadala uli. And malamang e Martes pa ako makakapag file ng resignation ko. Syet I want to do that NOW NOW NOW.

Desperado ‘no? It’s worse this year, last week ko lang na-realise due to another “incident” with management. Umpisa pa lang ng taon para na kong di makahinga. Wala ka ng support sa mga tao, bleak pa ang financial future ko. WTF. Siempre alis na. It’s time to jump ship, people!

Ang nakakatawa nga e dalawa na ang nauna sa akin, kelangang unahan ko yung team member ko at pag ako na lang naiwan ang lalabas pa nito e kasalanan ko! ARRGGHH BUGNOT BUGNOT Gusto ko ngang baliin ang baluktot na ilong ng scottish na bossing ko e. Unreasonable, unfair & judgemental.

Di ako perpekto pero alam ko yatang I am doing my darnest to support this flailing team. So sabi ng tv ad sa Pinas in the 80′s: goodbye bunot, hello pronto!

Sana Sabado na!



Locations of visitors to this page
Add to Technorati Favorites