“Working from home” ako ngayon. Dahil di ako marunong mag-drive at dahil umuulan (as usual), tumawag ako sa regular cab service na ginagamit namin para ihatid ang bebe ko sa nursery. Dumating ang driver at ito yung kinaiinisan kong driver nila (halos lahat ng driver nila, ok naman, yung iba first name basis na kami, regular customer nga e). This guy once ko pa lang nagamit, nainis na ako dahil una ang dumi ng sasakyan tapos mal-edukado pa.
Getting off, I gave £4.50 without asking for the fare dahil nga araw-araw na ginawa ng Diyos e nagka-cab ako, so alam ko na. Aba e bakit daw? Dapat daw £5. Sabi ko alam ko ang fare dahil regular akong customer, then asked him where is your meter for him to charge more? I told him I will give him the rest if he presents me with the receipt. Get out daw sabi ng bastos na Eastern European. Next time daw e gumamit na ko ng ibang cab service, sabi ko “get the f*ck out of here thief”.
Ang aga-aga nanginginig ako. Yung ibang cab driver kapag mababait binabayaran ko ng £5 parang tip na lang, wag na kong suklian. Itong isang assh*le na ito, ang dapat ibigay suntok. I called their operator to complain, ewan ko kung ano naman ang mangyayari dun. The point is they have an unscrupulous driver who likes to cheat by not using the meter. He’ll deal with it “daw”. HMP!
Then this afternoon may tumawag sa aking ahente, job opening daw. Sabi ko tawag ako uli after I look at the job spec. As it turns out, the company is not the place I’d want to work for. So I told him, naku I’m after big money daw ba “is that it” sabi ‘no. Dahil hindi ako bastos & alam ko nang maraming badgers sa mga job agencies, sabi ko na lang it’s not about the money but their line of business. Ngayon sabi ko kung upset ka kako e wala akong magagawa but I don’t like wasting my time kako nor of other people at ayoko kakong pinipilit akong ibigay ang CV ko dahil lang gusto ng agent. Nagkalma naman ang unggoy ire-refer daw nya ko sa ibang colleague nya.
Eto tumawag ang colleague, gaming industry, sabi ko sige padala nga details sa akin para matinggan ko. The story is this with most job agents I wouldn’t hear from that agency again dahil ib-block na ko nung dimuho na yan. Pero eto kasi, nauna talagang tumawag sa akin yung colleague nya sabi ko lang tumawag later dahil busy ako. Then tumawag ang unggoy ang sabi nya bakit daw di sya sinabihan na tatawagan ako e team daw sila. Obviously nagkakasulutan sila so inunahan nya yung kasama nya by sending me his client’s requirement via email knowing na yung kasamahan nya tatawag mamaya pa.
See? Sama ng ugali talaga. How can I trust him to seek the best options for me? That’s what their job is to represent both sides, but this guy is greedy.
Ibig-ibig ng masira ng araw ko kung hindi lang natutuwa ako at darating ang tita namin bukas plus bukas as Sabado, tapos naka-off ako ng Mon to Tues! YEHEY.